#AMIAXII17thGWCCC | Ang 17th Global Warming and Climate Change Consciousness Week, na may temang: “Askyon at Adaptasyon ng Makabagong Henerasyon”, ay pormal na inilunsad sa Koronadal City, South Cotabato ngayong araw sa pamamagitan ng isang serye ng mga aktibidad at talakayan na naglalayong magtaas ng kamalayan at magsulong ng maagap na aksyon laban sa pagbabago ng klima.

Isinasagawa ng Department of Agriculture-Regional Field Office XII sa pamamagitan ng Adaptation and Mitigation Initiative in Agriculture Program (AMIA Soccsksargen), ang buong linggong kaganapan ay magtatagal mula Nobyembre 18 hanggang Nobyembre 22, 2024 at layunin nito na hikayatin ang sama-samang pagsisikap upang matugunan ang epekto ng climate change at himukin ang lahat na magpatibay ng mga makatarungang solusyon laban sa mga isyung pangkalikasan.

Binigyang-diin ni Regional Technical Director for Special Concerns Engr. Abraham A. Onotan ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos sa pagharap sa krisis ng klima.

“The future is in our hands and we must take bold steps to ensure that the Earth remains a livable place for all,” aniya ni RTD Onotan.

Dagdag pa rito, ang layunin ng ahensya na ma-empower ang mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng mga kasangkapan at kaalaman upang mapalakas ang kanilang katatagan, itaguyod ang mga estratehiya laban sa pabago-bagong klima, at magsulong ng mga napapanahong solusyon para sa isang mas luntian at mas matibay na kinabukasan.

#BagongPilipinas

#MasaganangAgrikultura

#MaunladNaEkonomiya

#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *