
CLIMATE INFO SERVICE: Kaagapay ng Kababaihan sa Bukid, Bahay, at Pamayanan
Ka-AMIA, alam mo bang hindi lang sa pagsasaka mahalaga ang Climate Information Service o CIS? Base sa isang pag-aaral na isinagawa ng Rice Watch Action Network, Inc., isa sa mga partners ng AMIA Program, malaki rin ang papel nito sa pang-araw-araw na gawain ng mga kababaihan at sa pakikilahok nila sa komunidad!
SA PAGSASAKA: Gumagabay ang CIS sa pagpaplano at pagdedesisyon—mula sa pagtatanim hanggang pag-aani. Nakakatulong ito sa pagtitipid ng gastos, pag-optimize ng farm inputs, at pagprotekta sa pamilya laban sa matinding lagay ng panahon.
SA GAWAING BAHAY: Alam mo bang pati sa mga pang-araw-araw na gawain tulad ng paglalaba at pagluluto gamit ang kahoy, may ambag ang climate information? Mas nagiging episyente ang trabaho, kaya mas natitipid ang oras at resources!
SA PAKIKILAHOK SA KOMUNIDAD: Mahalaga rin ang CIS sa pagpaplano ng kababaihan kung kailan sila makakadalo sa pulong o aktibidad sa kanilang asosasyon—para laging ligtas at produktibo!
Sa tulong ng CIS, mas napapalakas ang kakayahan ng kababaihan sa agrikultura na harapin ang hamon ng klima habang mahusay nilang ginagampanan ang kanilang triple roles sa lipunan—bilang mga magsasaka, tagapangalaga ng tahanan, at aktibong bahagi ng komunidad.
#2025NationalWomensMonth#AMIAmazingwomen#AMIA#AMIACREATEs
Department of Agriculture – Philippines



