Iprinisenta ngayong umaga, Mayo 2, 2025, ni Department of Agriculture XII 4K Program Focal Person Joharry L. Penduma sa ilang mga kinatawan mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program, isang inisyatibo na makakatulong sa mga magsasakang katutubo para mapalago at maging sustenable ang kanilang ancestral domains.

Dito, inisa-isa ni Penduma kung paano ipapatupad ang programa, sino ang magiging benepisyaryo nito at ano ang magiging papel ng lokal na pamahalaan sa implementasyon ng programa. Positibo din ito na magiging maayos ang pagpapatupad ng naturang inisyatibo lalo na at mahigpit ang suporta ng kapitolyo sa pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa nasabing programang isinusulong ng DA.

Nasa naturang presentasyon ng 4k program si IP Provincial Mandatory Representative Arsenio Ampalid, Provincial Advisory Council Member Retired Judge Lily Lydia Laquindanum, representatante mula sa sa Office of the Provincial Agriculturist Norberta Tahum at Marites Guabong at IP Affairs Focal Person Allan Matullano. //idcd-pgo-sotto/photobyRSopresencia//

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *