SOBRA o KULANG sa tubig, stress ‘yan sa palayan!

Ang sapat na pagpapatubig sa palayan ay nagiging malusog ang palay at nakakapagpataas ng ani at kita.

Kulang sa tubig:

❎malalim na pagbitak ng lupa nang mahigit sa 3 araw

❎pagkatuyot ng dulo ng dahon

❎pagkabansot ng palay

Sobra sa tubig:

❎lampas 5sm ang lalim sa loob ng 7 araw pataas

❎maliliit na dahon ng palay

❎mababa o kulang ang suwi bawat tundos

❎maitim ang ugat dahil sa sobrang babad sa tubig

#RCEFExtensionProgram

#pamamahalangpatubig

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *