𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Pinarangalan ang iba’t ibang mga natatanging manggagawa mula sa Department of Agriculture Regional Field Office XII (DA-RFO XII) ngayong ika-14 ng Hulyo 2025 sa isang pagtitipon na ginanap sa Koronadal City, South Cotabato. Kabilang sa mga ginawaran ng parangal ang mga empleyadong nagsilbing inspirasyon dahil sa kanilang kahusayan sa trabaho, tapat na paglilingkod sa publiko, at aktibong pakikilahok sa mga programa at proyektong pang-agrikultura.

Dinaluhan ang programa ni DA-RFO XII Regional Executive Director Roberto T. Perales, kabilang ang iba pang mga opisyal at mga kapwa kawani na nagbigay-pugay sa mga awardees bilang haligi ng tagumpay ng ahensya sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa rehiyon. (✏ Dann French 📸 Raffie Bautista)

#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *