#InTheNews || Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang detalyadong schedule ng pagtatanim upang matiyak na ang mga pag-iimport ng agrikutural na produkto ay hindi makakasama sa lokal na produksyon.Matapos ang briefing ng Department of Agriculture (DA), kasama ang iba pang kinauukulang ahensiya ngayong Martes, Peb. 28, hiniling ng Pangulo sa mga opisyal ng agrikultura na dagdagan ang detalye sa cyclical nature ng mga pananim sa Pilipinas upang maiwasan ang pag-angkat ng mga produkto sa panahon ng anihan.“Hindi tayo nag-i-import ng kahit anong produkto pagka maraming production para naman magamit natin lahat ng production na galing sa Pilipinas,” sabi ng Pangulo.“Kung mag-i-import lang tayo, kung talagang may kulang and that’s what I mean about the cyclical nature of crops, that we have to be sensitive to that,” dagdag ng Pangulo.Sa ilalim ng Philippine Development Plan ng administrasyong Marcos, target ng DA ang paglago ng 1.8% hanggang 3.3% sa sektor ng agrikultura mula 2023 hanggang 2028. Post navigation Opening of Bids for various agricultural projects worth over PhP 197-million PURPLE WEDNESDAYS