
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Ipinagdiwang noong ika-24 ng Hulyo, 2025 ang kauna-unahang Harvest Festival sa ilalim ng Cotabato Rice Revolution Program (CRRP) sa Makilala, Cotabato Province.
Katuwang ang DA-RFO XII, mga kalakip na ahensya, at mga lokal na pamahalaan, inorganisa ang nasabing programa na may layuning kilalanin ang matagumpay na ani ng mga magsasaka na siyang susi sa pagtamo ng sapat na suplay ng pagkain sa probinsiya. (Dann French
Raffie Bautista)
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen