
Nagbabala si Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. na magiging madilim ang kinabukasan ng pagsasaka ng bansa hanggat hindi naamiyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL) upang ibalik ang mas malakas na kontrol ng gobyerno sa importasyon ng bigas at retail. “Nararamdaman ko na ang RTL, kung ano ang naisulat ngayon, ay papatay sa rice industry. Kung hindi ito matugunan, kung hindi ito maamiyendahan, papatayin nito ang industriya ng bigas,” saad ni Tiu laurel, at Binigyang-diin ang pangangailangan na maamiyendahan ang batas na nagpaluwag sa pag-aangkat ng bigas.
<BASAHIN ANG BUONG ULAT SA COMMENT SECTION>