
๐๐๐๐๐๐๐ | Pinangunahan ni DA-RFO XII Regional Executive Director Roberto T. Perales ang 5th Regional Management Committee (RMC) Meeting noong Hulyo 31, 2025 sa ATI-RTC XII, Tantangan, South Cotabato, na layuning tugunan ang mga agarang isyu sa sektor ng agrikultura sa rehiyon.
Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang update mula sa ATI, selebrasyon ng RDC Week, produksiyon ng PhilFIDA, Swine Redispersal Project, at datos ng PSA hinggil sa pag-unlad ng agrikultura. Naging daan din ito sa pagbalangkas ng mga estratehiya para sa pagpapatupad ng programang โBenteng Bigas Meron na (BBM)โ at mga hakbang sa pagtugon sa banta ng red-striped soft-scale insect na sumisira sa mga pananim na tubo. ( Nichole Paul Agapay)
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen