#PRDPNews | Ang DA-PRDP RPCO XII I-PLAN Geomapping and Governance Unit (GGU), katuwang ang DA-RFO XII PMED, ay nagsagawa ng pagsasanay sa Geographic Information System (GIS) noong Hulyo 28 hanggang 31, 2025 sa General Santos City.

Layunin ng apat na araw na aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga technical staff ng ahensya sa paggamit ng makabagong mapping technologies na mahalaga sa epektibong pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa sa sektor ng agrikultura. Naging kabilang din sa mga paksang tinalakay ang paglikha at pag-import ng data, pati na rin ang paggawa ng mga mapa gamit ang open-source GIS tools.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, nabigyan ang mga kalahok ng kaalaman at kasanayan sa paggamit ng GIS. (✏️Ian Frederick Carbonell📸 Donnabele Promito )

#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#DAPRDP#ruraldevelopment#PRDPSoccsksargen#RPCOXII#WorldBank#prdpscaleup#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *