#GATAS | Maraming benepisyo ang nakukuha sa gatas, mga Ka-Agri! Kaya, ugaliin ang pag-inom nito.๐Ÿฅ›๐Ÿ„
—–
Inirerekomenda na uminom ng isang baso ng gatas araw-araw, para sa bata at matanda. Ang gatas ay mahaยญlagang mapagkukunan ng Vitamin D at calcium.
1. Pampalakas ng buto. Humihina ang buto dahil sa maling posture at kakulangan sa masustansyang pagkain. Ang isang basong gatas ay naglalaman ng 113 mg calcium. Ito ay mahalaga para maiwasan ang pagkasira ng buto.
2. Mayaman sa bitamina at mineral. Ang gatas ay โ€œsuperfoodโ€ na naglalaman ng mahahalagang bitamina at mineral na kailangan ng katawan. Ito ay may Vitamin B12, na kailangan ng utak. Ang gatas ay may Riboflavin para mapanatiling malakas ang katawan. Ito rin ay naglaยญlaman ng phosphorus, na makatutulong sa pag-aayos ng mga nasirang selula.
3. Mayaman sa protina. Ang 100 grams ng gatas ay nagยญlalaman ng 3.2 grams ng protina. Ang protina ay tumutulong sa katawan para gumawa ng enzymes, palakasin at maghilom ang kalamnan, kasu-kasuan at balat. Kaยญilaยญngan din ito para gumawa ng hormones sa katawan.
4. Nagpapakalma. Tumutulong pakalmahin ang isipan dahil sa taglay na potassium at magnesium. Ang isang basong maligamgam na gatas ay tumutulong na mapakalma ang katawan, masasakit na kalamnan at para mahimbing na makatulog.
5. Para maging malusog at maganda ang balat. Ang pag-inom ng isa hanggang dalawang baso ng gatas kada araw ay makatutulong para gumanda ang balat dahil sa sustansyang taglay.
6. Para sa sobrang magpawis. Ang sobrang pawis ay nakatatanggal ng electrolytes sa ating katawan gaya ng potassium at sodium. Nakatutulong ang gatas para muling maibalik ang mga nawalang sangkap. Ang calcium sa gatas ay makatutulong para mabawasan ang pagpaยญpawis.
Source | Dr. Willie T. Ong
๐—จ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜€!
“๐˜Ž๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ด ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ-๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜”๐˜ข๐˜ญ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ๐˜จ ๐˜ข๐˜ต ๐˜”๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ.”
#AgriTayoSoccsksargen