
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Nakibahagi ang DA-RFO XII sa pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) noong October 9, 2025, kasama ang iba pang mga regional head ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM), bilang suporta sa operasyon ng Mobile Soils Laboratories (MBL).
Ang MBL ay isang inisyatiba ng BSWM na layuning magbigay ng madaling ma-access at tumpak na solusyon sa mga problema sa kalusugan ng lupa. Nag-aalok ito ng 44 na uri ng pagsusuri ng lupa at tubig bilang suporta sa National Soil Health Program.
Sa operasyon ng MBL, magkakaroon ng direktang benepisyo ang mga magsasaka. Mabibigyan sila ng pagkakataon na masubaybayan ang kalusugan ng kanilang lupa, na magdudulot ng mas mataas na ani at mas produktibong pagsasaka.
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen
