
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Naghatid ng makabuluhang kaalaman ang Department of Agriculture – Regional Field Office XII (DA-RFO XII) sa pamamagitan ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS) sa isinagawang Information Caravan Phase 2 noong Oktubre 10, 2025 sa Barangay Miasong, Tupi, South Cotabato.
Layunin ng aktibidad na maipaabot sa mga magsasaka ang mahahalagang impormasyon at programang pang-agrikultura ng ahensya, kabilang ang mga interbensyon at impormasyon mula sa Regional Crop Protection Center, Rice Program, Organic Agriculture Program, Agribusiness and Marketing Assistance Division, at maging ang Research for Development Division. Bahagi rin nito ang pagtalakay sa mga oportunidad para sa suporta at tulong mula sa iba’t ibang banner programs ng DA.
Sa pamamagitan ng naturang caravan, naglahad din ng kanilang mga hinaing at pangangailangan ang mga magsasaka upang mabigyan ng karampatang tugon at aksyon ng ahensya. Ipinahayag naman ng mga kalahok ang kanilang pasasalamat sa DA-RFO XII sa patuloy na pagbibigay ng kaalaman at serbisyong tumutulong sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan. (
Dann French
Jan Paul Daquiado)
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen
