π“πˆππ†ππ€π | Nagpahayag ng malaking suporta si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco β€œKiko” Tiu Laurel Jr. para sa mga coffee farmers ng bansa sa pagdiriwang ng International Coffee Day at sa isinagawang Project Coffee++ ng NestlΓ© Philippines, katuwang ang mga ahensya ng gobyerno at ang Provincial Government ng Sultan Kudarat, na ginanap noong Oktubre 30, 2025 sa Isulan, Sultan Kudarat.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Sec. Laurel ang malaking kontribusyon ng mga coffee farmers, stakeholders, at iba pang kalahok mula sa iba’t ibang munisipyo ng Sultan Kudarat at Bukidnon sa patuloy na pagpapaunlad ng industriya ng kape sa bansa.

Ang Project Coffee++, na inilunsad ng NestlΓ© Philippines noong 2023 sa pakikipagtulungan sa Deutsche Gesellschaft FΓΌr Internationale Zusammenarbeit (GIZ) at sa Kagawaran ng Agrikultura, ay naglalayong palakasin ang kakayahan at katatagan ng mga coffee farmers sa pamamagitan ng Farmer Business School at Regenerative Agriculture.

Sa pamamagitan ng programang ito, libu-libong magsasaka sa Sultan Kudarat at Bukidnon ang direktang nakinabang at patuloy na nag-aambag sa lumalago at mas produktibong industriya ng kape sa bansa.

#DA#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#BagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *