𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Matagumpay na isinagawa ang Digital Agriculture Project – Early Warning System (DAP-EWS) Deployment Training Caravan para sa mga stakeholder sa SOCCSKSARGEN noong Nobyembre 5–6, 2025 sa General Santos City.

Pinangunahan ito ng Regulatory Division ng Department of Agriculture – Regional Field Office XII, katuwang ang Bureau of Animal Industry (BAI), upang sanayin ang mga magsasaka, livestock growers, at iba pang agri-stakeholders sa tamang paggamit ng bagong digital platform.

Layunin ng pagsasanay na mapadali ang proseso ng pagrehistro para sa mga handler at carrier, at mas maging episyente ang kanilang operasyon. Ito ay isang tiyak na hakbang tungo sa pagpapalakas ng digitalisasyon sa agrikultura, tungo sa isang mas produktibo at masaganang Bagong Pilipinas. (✏📸Lynziejile)

#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *