๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Nagbahagi ng makabuluhang kaalaman at impormasyon ang Department of Agriculture โ€“ Regional Field Office XII (DA-RFO XII) sa pamamagitan ng Information Caravan Phase 2 na ginanap sa Banisalan, Cotabato noong Nobyembre 6, 2025.

Pinangunahan ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS) ang aktibidad na naglalayong maiparating sa mga lokal na magsasaka ang mahahalagang programa, proyekto, at inisyatiba ng kagawaran. Katuwang dito ang mga kinatawan mula sa Regional Crop Protection Center, Rice Program, Organic Agriculture Program, Agribusiness and Marketing Assistance Division, Research for Development Division, at Corn Program. Ibinahagi rin ang mga impormasyon hinggil sa mga proyektong Adapting Philippine Agriculture to Climate Change Project, Regional Soils Laboratory, at Mindanao Inclusive Agricultural Development Project na naglalayong palakasin ang kakayahan ng sektor ng agrikultura sa rehiyon.

Dinaluhan ang Information Caravan ng mga magsasaka, estudyante, at mga lider mula sa Barangay Puting Bato at mga karatig barangay, na nagsilbing pagkakataon upang higit pang mapalakas ang ugnayan at pakikipag-ugnayan ng DA-RFO XII sa mga mamamayang direktang nakikinabang sa mga programa ng kagawaran.

(โœ๏ธAlecx Baterbonia, ๐Ÿ“ธPol Daquiado)

#DA#BagongPilipinas#InformationCaravan#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You missed