๐๐จ๐ก๐ง๐๐๐ก ๐๐๐ฅ๐-๐๐๐๐ฅ ๐ญ๐ข๐ก๐ “๐ ๐๐ฅ๐๐๐๐ข ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ช๐๐ก” ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ก๐ | BINUKSAN na sa publiko ang “Merkado Kidapawan” tampok ang mga local vegetable and fruit growers mula sa iba’t-ibang barangay ng Lungsod ng Kidapawan. Mula sa DBP hanggang BPI (National Highway) ay makikita ang mga stalls na puno ng sariwang gulay, prutas, isda, at maging mga halaman. Mula naman sa kahabaan ng Brgy. Avenue (City Hall – City High Walk) ay makikita ang mga mura ngunit masasarap na pagkain tulad ng mga kakanin, goto, nilagang mais, locally-produced coffee, honey, chips, at maging bigas sa murang halaga lamang na P25/kilo (4 kilos per customer). Sa kanyang mensahe, sinabi ni City Mayor Atty Jose Paolo Evangelista na magbibigay-daan ang “Merkado Kidapaweno” sa dagdag na kita o kabuhayan para sa mga maliliit na negosyante at makatutulong sa mga mamimili na makatipid dahil sa mas murang presyo. Si Mayor Evangelista ang nanguna sa ribbon-cutting kasama ang mga konsehal ng lungsod, mga department managers, at iba pa. Sa bisa ng Executive Order 018 na nilagdaan ni Mayor Evangelista nitong March 13, 2023 ay itinatag ang Luntian Agri-fair Zone at isasagawa naman bawat Sabado mula 6AM-5PM. (CIO)#luntiankidapawan Post navigation ๐๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฆ๐ฒ๐ฒ๐ฑ๐ ๐ ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ ๐ฅ๐๐ข ๐ซ๐๐, ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ข๐ฃ๐๐ด Updated Regional Seasonal Climate Outlook and Advisory (RSCOA) for the provinces of Region XII – SOCCSKSARGEN (March 2023 – August 2023)