๐Ÿ‘๐ŸฝSAADFastFacts
Ano ba ang SAAD program, at ano-ano ang mga serbisyo nito?
Alamin at mas kilalanin ang SAAD program sa pamamagitan ng SAAD Fast Facts!

Simula 2017, ang Special Area for Agricultural Development Program (SAAD) ay nakapagbigay ng kabuuang 218 na corn production at support projects sa kapuluan ng Luzon. Ang 88 na proyekto ng corn production at support ay naipamahagi sa Cordillera Administrative Region (CAR), habang ang MIMAROPA Region naman ay mayroong 40 na proyekto at 90 naman sa rehiyon ng Bicol. Ang 218 na corn production support project na interbensyon ay pinakinabangan ng 78 na farmersโ€™ associations.
Karaniwang bahagi ng mga interbensyon ng corn production at corn support ay binhi, pangunahing kagamitan sa pagsasaka, gilingan ng mais, pataba, mga hand tractor na may kumpletong accessory, at knapsack sprayers upang mapagaan ang produksyon.

Ang corn production projects sa ilalim ng SAAD Program ay nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa small-scale na pagsasaka. Ang mga ito ay ibinigay sa mga FCA upang mapaunlad ang produksyon at pangkonsumo ng pamilya, habang sa kalaunan ay nakatuon upang tulungan ang mga benepisyaro sa pagpapanatili ng kanilang operasyon at mahikayat tungo sa pagnenegosyo.

#DASAAD
#SAADProgram