
ππ-πΏπΌπ ππΌππ πππΌππππ πππππππ (Jan. 19 – Jan. 28, 2026) REGION XII
Inaasahan ang mahinang pag-ulan mula Enero 19 hanggang 28. Gayunpaman, sa Enero 21 at 26 ay walang mararanasang ulan sa buong rehiyon. Maganda ang kondisyon ng panahon para sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, at pag-aalaga ng mga hayop at isda. Sa kasalukuyan, wala ring nakikitang banta ng malakas na bagyo o pagbaha.
Para sa mga Magsasaka
– Ang kondisyon ng panahon ay angkop para sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, at pagdidilig ng mga pananim.
– Samantalahin ang ulan para sa natural na patubig, ngunit tiyakin ang maayos na daluyan ng tubig.
Para sa Pangisdaan at Paghahayupan
-Walang inaasahang masamang epekto sa mga alagang hayop at isda.
-Panatilihin ang malinis na kulungan at palaisdaan upang maiwasan ang sakit.
Patuloy nating isulong ang Climate-Resilient Agriculture (CRA) upang mapanatili ang mataas na ani at ligtas na kabuhayan.
PAALALA SA MGA MAGSAKA AT MANGINGISDA:
Siguruhing nakarehistro kayo sa PCIC (Philippine Crop Insurance Corporation) para sa proteksiyon laban sa pagkalugi dulot ng bagyo, peste, at iba pang sakuna. Makipag-ugnayan sa inyong
Municipal Agriculture Office (MAO) para sa enrollment at requirements.
Manatiling updated at makinig sa mga lokal na abiso mula sa inyong LGU.
Ang datos ng prediksyon ng panahon ay nakalap mula sa abiso ng panahon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). weather advisory. (Sources: NOAA Global Ensemble Forecast System)










