𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Naghatid ang DA-RFO XII ng komprehensibong kaalaman sa mga magsasaka ng Barangay Datal Anggas, Alabel, Sarangani sa pamamagitan ng Information Caravan na isinagawa noong Abril 8, 2025.

Pinangunahan ni APCO SarGen Jocelyn Misterio, na kumatawan kay Regional Executive Director John B. Pascual, ang nasabing pagbibigay ng mahahalagang impormasyon at updates patungkol sa sektor ng agrikultura kasama ang RAFIS, RCPC, RSBSA, Rice and Corn Program, AMAD, 4Ks, Research for Development Division at ang lokal na pamahalaan ng Alabel sa pangunguna ni Mayor Lilibeth J. Salarda, upang higit pang mapalakas ang kapasidad at kaalaman ng sektor ng agrikultura sa rehiyon.

Dinaluhan ang naturang Information Caravan ng mga magsasaka at lider mula sa Barangay Datal Anggas at mga karatig-barangay. Nagsilbi rin ito bilang mahalagang pagkakataon upang higit pang mapagtibay ang ugnayan at pakikipag-ugnayan ng DA-RFO XII sa mga komunidad na direktang nakikinabang sa mga programa ng kagawaran.

📸 Romel Perez/Fred Dimaisip

✍ Nick Paul Agapay

#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *