
Reposted from Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr.
MAS MABABANG GASTOS SA ABONO, NGUNIT DOBLE ANG ANI!
Nakibahagi ako sa Harvest Festival sa sakahan ng magsasakang si Danilo Bolos, kung saan ang mababang gastos sa produksyon at mataas na ani ay naging realidad.
Sa 10-ektaryang sakahan, halos 10 metric tons ang inani sa bawat ektarya. Higit pa rito, mas mababa ng halos 25% ang kanyang gastos sa abono.
Ito ang direksyong tinatahak natin: mas matatag na kita para sa ating mga magsasaka, at mas malayang produksyon na hindi nakatali sa pabago-bagong presyo ng Urea.
Hindi na ito basta posibilidad—ito ay malinaw na landas tungo sa mas matibay at masaganang sektor ng agrikultura!
Alamin ang kanyang metodolohiya sa comment section.
#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#BagongPilipinas
