
𝟏𝟎-𝘿𝘼𝙔 𝙁𝘼𝙍𝙈 𝙒𝙀𝘼𝙏𝙃𝙀𝙍 𝙊𝙐𝙏𝙇𝙊𝙊𝙆 (𝑨𝒑𝒓𝒊𝒍 𝟏𝟑 -𝘼𝙥𝙧𝙞𝙡 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔) REGION XII ![]()
![]()
![]()
Inaasahan ang mahinang pag-ulan sa buong bahagi ng rehiyon, bagamat may ilang lugar na maaaring hindi makaranas ng ulan. Maganda ang kondisyon para sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, at pag-aalaga ng hayop at isda. Sa kasalukuyan, wala ring nakikitang banta ng malakas na bagyo o pagbaha.
Para sa mga Magsasaka
– Ang kondisyon ng panahon ay angkop para sa paghahanda ng lupa, pagtatanim, at pagdidilig ng mga pananim.
– Samantalahin ang ulan para sa natural na patubig, ngunit tiyakin ang maayos na daluyan ng tubig.
Para sa Pangisdaan at Paghahayupan
-Walang inaasahang masamang epekto sa mga alagang hayop at isda.
-Panatilihin ang malinis na kulungan at palaisdaan upang maiwasan ang sakit.
Patuloy nating isulong ang Climate-Resilient Agriculture (CRA) upang mapanatili ang mataas na ani at ligtas na kabuhayan. ![]()
PAALALA SA MGA MAGSAKA AT MANGINGISDA:
Siguruhing nakarehistro kayo sa PCIC (Philippine Crop Insurance Corporation) para sa proteksiyon laban sa pagkalugi dulot ng bagyo, peste, at iba pang sakuna. Makipag-ugnayan sa inyong
Municipal Agriculture Office (MAO) para sa enrollment at requirements.
Manatiling updated at makinig sa mga lokal na abiso mula sa inyong LGU. ![]()
Ang datos ng prediksyon ng panahon ay nakalap mula sa abiso ng panahon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). weather advisory. (Sources: NOAA Global Ensemble Forecast System)









