
Reposted from: Presidential Communications Office
Sa UPLIFT meeting ngayong araw, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang mapababa ang presyo ng bigas.
Tinalakay rin sa pulong ang mga hakbang ng pamahalaan upang matiyak ang sapat na suplay ng langis at pondo para sa tuloy-tuloy na serbisyo, ang mahigpit na pagbabantay sa presyo ng mga bilihin, at ang agarang aksyon laban sa hoarding at profiteering, kabilang ang posibleng pagsasampa ng kaso at pagpapatupad ng price cap kung may mapapatunayang sabwatan sa pagtaas ng presyo ng bigas.
Sa ilalim ng UPLIFT framework, patuloy na pinatitibay ng pamahalaan ang koordinadong pagtugon upang maprotektahan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino at mapanatili ang katatagan ng ekonomiya.
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen



