Reposted from: Department of Agriculture – Philippines

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na handa itong agad na ipatupad ang executive order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagtatakda ng price ceiling sa imported rice, bilang hakbang upang maibsan ang epekto ng tumataas na presyo ng pagkain dulot ng inflationary pressures ng sigalot sa Middle East.

Sa ilalim ng Executive Order No. 118, itinakda ang P50/kilo cap para sa 5% broken imported rice hanggang 30 na araw โ€œupang tugunan ang hindi makatarungang pagtaas ng presyo, maiwasan ang pang-aabuso sa merkado, at matiyak ang sapat na suplay ng abot-kayang bigas habang pinananatili ang katatagan ng merkado.โ€ Agad itong magkakabisa sa oras na mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagang may malawak na sirkulasyon.

<Basahin ang buong ulat sa comment section at DA website – https://www.da.gov.ph/da-ready-to-enforce-president…/ >

#DA#ParaSaMasaganangBagongPilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *