𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Pormal nang nagbukas ang taunang selebrasyon ng DA Kalingawan na ngayon ay nasa Season 5, sa pamamagitan ng isang programa na ginanap kahapon sa DA-RFO XII Grounds. Tampok sa pagbubukas ang iba’t ibang pagtatanghal sa kantahan at sayawan, gayundin ang masigabong suporta at hiyawan mula sa mga kawani at panauhin ng ahensya na lalong nagbigay-buhay sa okasyon.

Kabilang sa mga pinakainaabangang bahagi ng programa ang unveiling ng official logo at hymn ng Kalingawan, pagpapakilala sa mga kandidato ng Search for Mr. and Ms. DA-RFO XII 2026, at ang espesyal na talent showcase na pinangunahan ng DA Band.

✍ Dann French

📸 Fred Dimaisip, Raffie Bautista, Gallardo Zafico

#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *