𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Dinagsa ng mga mamimili ang tampok na “P20 Benteng Bigas Meron Na” sa KADIWA ng Pangulo na ginanap sa Antipas, Cotabato ngayong araw.

Maagang pumila ang mga residente upang makabili ng de-kalidad at mas abot-kayang bigas, gayundin ng sariwang gulay, prutas, at iba’t ibang lokal na produktong direktang ibinenta ng mga magsasaka at lokal na producers mula sa lalawigan.

Patuloy na isinusulong ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng KADIWA program ang pagbibigay ng mas murang pagkain sa mamamayan habang pinapalakas ang kabuhayan ng mga magsasaka at itinataguyod ang produktong lokal.

📸Basser Tikan ✍ Nick Paul Agapay

#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *