
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Mas naging makulay at makahulugan ang pagdiriwang ng Pista sa Nayon o Saint Isidore Feast Day ng DA-RFO XII sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng gulay, prutas, at itlog mula sa ating masisipag at mapagkalingang magsasaka.
Nagbahagi ng kanilang ani ang T’boli Vegetable Farmers Association, Alabel Vegetable Producer Association, at Surallah Vegetable Integrated Farmers Cluster sa mga kawani ng iba’t ibang ahensya sa loob ng Prime Regional Government Center gayundin sa mga walk-in clients.
Naging daan din ito upang maipakita ang pagkakaisa, pasasalamat, at taos-pusong malasakit ng ating mga magsasaka sa komunidad. Sa pagdiriwang ngayong Farmers and Fisherfolk Month, muling pinatunayan na sa bawat ani ay kaakibat ang sipag, sakripisyo, at diwa ng bayanihan na patuloy na nagbibigay biyaya sa bawat Pilipino.
Cleo Lagdamen
Gallardo Zafico
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen
