
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Tinatayang 1,980 na mga magsasaka mula sa Barangay New Pangasinan, D’Lotilla, Tayugo, Lagdandang at Bambad, sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat ang nakatanggap ng tulong sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP).
Bawat kwalipikadong benepisyaryo ay tumanggap ng ₱2,325.00 na maaari nilang magamit sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at sa pagpapatuloy ng kanilang kabuhayan sa pagsasaka.
Inaasahang matatapos bukas, Hunyo 4, 2026, ang pamamahagi ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) sa mga natitirang barangay ng bayan ng Isulan. Matapos nito, magpapatuloy naman ang distribusyon ng assistance sa iba pang mga bayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa mga susunod na araw upang mas marami pang magsasaka at mangingisda ang mabigyan ng kinakailangang suporta para sa kanilang kabuhayan.
Cleo Lagdamen
Jay-ar Lauron
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen
