𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Nagpatuloy sa bayan ng Bagumbayan, Sultan Kudarat ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) para sa mga kwalipikadong magsasaka at mangingisda.

Kabuuang 3,224 na benepisyaryo mula sa mga barangay ng Titulok, South Sepaka, Sison, Poblacion, Kinayao, Daguma, Busok, Biwang, at Bai Saripinang ang nakatanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng ₱2,325 bawat isa upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at sa kanilang kabuhayan.

Sa kabuuan, umabot sa ₱7,495,800.00 ang naipamahaging ayuda sa mga benepisyaryo sa bayan ng Bagumbayan bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na suportahan ang sektor ng agrikultura at pangingisda.

✍🏻Alecx Baterbonia

📷🎨Pol Daquiado

#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *