
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Nagtapos ngayong araw ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) para sa 1,656 magsasaka mula sa mga barangay ng Sto. Niño, Kabulanan, at Daliga sa bayan ng Bagumbayan.
Sa loob ng tatlong araw na distribusyon, umabot sa 6,723 benepisyaryo ang nabigyan ng ₱2,325.00 upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at higit pang mapalakas ang kanilang kabuhayan sa pagsasaka.
Sa kabuuan, nakapagpamahagi ang programa ng ₱15,630,975.00 sa mga karapat-dapat na benepisyaryo sa nasabing bayan.
Magpapatuloy ang pamamahagi ng assistance sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat, upang mas marami pang magsasaka at mangingisda ang mabigyan ng suporta at oportunidad na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Cleo Lagdamen
Dann French
Romel Perez
![]()
Pol Daquiado
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas
