TIPID na, mas mabilis pa! ⚡💰🚜

Kalahating araw lang tapos na sa pag-ani si ka-Palay Paulo Jeres Jr., farmer cooperator mula Negros Occidental matapos gumamit ng combine harvester!

🚜 Subukan ang combine harvester:
✅ Tanggal ang pagod dulot ng pag-iipon ng inaning palay bago ang paggigiik dahil substitute na din ito ng rice reaper at stationary thresher.
✅ Mababawasan din ang shattering losses o natatapon na mga butil kumpara sa mano-manong paggapas, pag iipon, at sa paggiik dahil minsanan na itong ginagawa ng combine harvester.
✅ Kayang mag-ani ng 3-4 ektaryang palayan sa isang araw.
✅ Nakatutulong ito sa mga lugar na wala o kulang ng mga manggagapas. Kayang gawin ng 2-3 tao ang pag-aani, paggigiik, at pagsasako.
✅ Naikakalat na din ang dayami kaya mas madali na ang paghahalo at pagbubulok ng dayami sa panahon ng paghahanda ng lupa.

📌 Tips sa paggamit:
🌾Upang maiwasan ang aberya at pagkatapon ng palay, siguraduhing may sapat na gasolina o krudo. Dapat ding may sapat na dami ng malinis at tuyong sako na paglalagyan ng palay.
🌾 Mag ani kung tuyo na ang mga dahon ng palay upang malinis ang mga butil at maiiwasan ang tapon g mga butil na sumasama sa mga dayami.
🌾Magpatakbo lamang ng naaayon sa rekomendadong bilis. Kung madumi ang naisasako o maraming naitatapong palay ang cleaner, maaring i-adjust ang pasukan ng hangin sa blower. Gawin ito hanggang makuha ang tamang adjustment.
📖Pag-aani gamit ang rice combine harvester: https://bit.ly/RiceCombineHarvester

#PhilRice #QualityRiceQualityLife #Harvest