𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Naging sentro ng pagpupulong ang implementasyon ng mga programa, proyekto, at pangunahing inisyatiba ng Department of Agriculture – Regional Field Office XII sa unang kalahati ng taon sa ginanap na 6th Regional Management Team (RMT) Cum CY 2026 Mid-Year Performance Review Meeting nitong Hulyo 13-14, 2026.

Inilahad ng mga kinatawan ng bawat yunit ang kanilang mga accomplishments, target attainment, mga hamon sa implementasyon, at catch-up plans upang matiyak ang ganap na pagtupad sa mga target para sa CY 2026.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Regional Executive Director John B. Pascual, DVM ang kahalagahan ng mahigpit na performance monitoring, maagap na pagtugon sa mga bottlenecks, at malinaw na pananagutan ng bawat yunit upang mapanatili ang epektibo at napapanahong pagpapatupad ng mga programa ng ahensya. Aniya, ang mas mataas na antas ng koordinasyon, disiplina sa implementasyon, at pananagutan ang susi sa pagkamit ng mga target at pagtupad sa mandato ng DA-RFO XII.

✏️📸Lynzie Lapina

#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *