
#PAFFP | 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐅𝐚𝐫𝐦𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐅𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐟𝐨𝐥𝐤 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐏𝐀𝐅𝐅𝐏) 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐒𝐮𝐥𝐭𝐚𝐧 𝐊𝐮𝐝𝐚𝐫𝐚𝐭 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟐𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔.
Sa unang araw ng pamamahagi, ang mga benepisyaryo mula sa Brgy. Antong, Brgy. Manili, at Brgy. Lutayan Proper ang unang tumanggap ng financial assistance.
Nasa 2,538 na magsasaka at mangingisda ang tumanggap ng pinansyal na ayuda, na may kabuuang halagang ₱5,900,850. Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱2,325 bilang tulong ng pamahalaan upang masuportahan ang kanilang kabuhayan at makatulong sa pagharap sa mga hamon sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Magpapatuloy bukas ang pamamahagi ng ayuda upang mas marami pang kwalipikadong magsasaka at mangingisda sa bayan ng Lutayan ang mabigyan ng kaukulang suporta sa ilalim ng programa.
Via | Cleo Lagdamen
Photo Courtesy | Pol Daquiado
#DA#BagongPilipinas#ParaSaMasaganangBagongPilipinas#AgriTayoSoccsksargen
