👍🏽SAADFastFacts

Ano ba ang SAAD Program, at ano-ano ang mga serbisyo nito?
Alamin at mas kilalanin ang SAAD Program sa pamamagitan ng SAAD Fast Facts!
Simula 2017, ang Special Area for Agricultural Development Program (SAAD) ay nakapagbigay ng kabuuang 759 na corn production at support projects sa kapuluan ng Mindanao. Ang 209 na proyekto ng corn production at support ay naipamahagi sa Zamboanga Peninsula, habang ang Northern Mindanao naman ay mayroong 289 na proyekto, 53 naman sa rehiyon ng Davao, 197 naman sa SOCCSKSARGEN at 11 sa rehiyon ng Caraga. Ang corn production support project na interbensyon ay ipinamahagi sa 214 na farmers’ cooperative at association.

Karaniwang bahagi ng mga interbensyon ng corn production at corn support ay binhi, pangunahing kagamitan sa pagsasaka, gilingan ng mais, pataba, mga hand tractor na may kumpletong accessory at knapsack sprayers upang mapagaan ang produksyon. Ang corn production projects sa ilalim ng SAAD Program ay nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa small-scale na pagsasaka.
Ang mga ito ay ibinigay sa mga FCA upang mapaunlad ang produksyon at pangkonsumo ng pamilya, habang sa kalaunan ay nakatuon upang tulungan ang mga benepisyaryo sa pagpapanatili ng kanilang operasyon at mahikayat tungo sa pagnenegosyo.

#DASAAD
#SAADProgram