Binigyang-diin ng Department of Agriculture ang pagsusulong ng pag-unlad ng agri-fisheries sector sa bansa, katuwang ang ilang international partners katulad ng World Bank at Food and Agriculture Organization.

Tinatayang aabot sa Php 65.3 bilyon na pondo ang ilalaan para sa apat na proyekto tulad ng Adapting Philippine Agriculture to Climate Change, Philippine Fisheries and Coastal Resiliency Project, Scaled-up Philippine Rural Development Project, at Mindanao Inclusive Agriculture Development Project.

Dagdag ng DA, alinsunod ang mga hakbang na ito sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsisiguro ng sapat na suplay ng pagkain sa bansa at paggawa ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino tungo sa kabuuang paglago ng ekonomiya ng bansa.

BASAHIN: https://tinyurl.com/2jyv2at53