Patuloy na tatahakin ng Super Typhoon Mawar ang ‘west northwestward’ na direksyon hanggang Linggo, ika-28 ng Mayo, ayon sa pinakabagong weather update ng Dost_pagasa.

Inaasahan pa ring papasok ang bagyo na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng madaling araw na may ‘maximum sustained winds’ na 215 km/h. Ilang lugar rin sa bansa ang makakaranas ng malakas na hangin at matinding pag-ulan.