#HVCDay | Sari-saring mga gulay na may natatanging haba at laki ang itinampok ng mga magsasaka sa “Pinaka” contest ng Department of Agriculture 12 ngayong araw, Mayo 30, sa pagdiriwang ng High Value Crops Day.

Lumahok sa nasabing patimpalak ang T’boli Vegetable Farmers Association, Dumadalig Vegetable Farmers Association at Sto. Niño Vegetable Growers Association bitbit ang kanilang aning gulay tulad ng kalabasa, sitaw, talong, pipino at ampalaya.

#PinakaContest
#AgriTayoSoccsksargen