Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na pag-aralan ang posibilidad ng panukalang pagtatayo ng ‘silo’ o mga imbakan para matiyak ang sapat na buffer stock ng bigas sa bansa.Sa pagpupulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) noong Huwebes, ibinahagi ng Pangulo ang kahalagahan ng pag-aral sa paggamit ng rice stations at modules para matiyak ang sapat na suplay ng bigas.Ang nasabing plano ay naaayon sa Food Security Infrastructure Modernization Plan ng Department of Agriculture. Sa ilalim ng proyekto, isang mother station ang itatayo para sa bawat 10 istasyon na may 30-kilometrong radius ang layo mula sa pangunahing istasyon. Post navigation Unified National Artificial Insemination Program (UNAIP) under the Livestock Program of the Department of Agriculture 12 conducted its 1st semester meeting Kadiwa On Wheels Alamadians, suportahan ang ating mga magsasaka!