JULY 6, 2023 | MAGSASAKANG KABAKEÑO TUMANGGAP NG CERTIFIED PALAY SEEDS – – – ABOT SA 880 na mga magsasaka mula Aringay, Bangilan, Bannawag, Cuyapon, Malanduague, at Salapungan ang tumanggap ng higit 800 sako ng certified palay seeds.

Ang kaloob ng Department of Agriculture XII ay para sa mga naapektuhan ng sakuna nitong nagdaang Enero 2023.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman, Sa mensaheng kanyang ipinarating, nagpasalamat ito sa mga magsasaka na patuloy na nagtitiwala sa sektor ng agrikultura.
Hinikayat din nito na maging boses ang mga ito na mahikayat ang ibang magsasaka na magparehistro sa RSBSA upang mas malaki ang makukuhang tulong ng mga ito mula sa kagawaran.

#SerbisyongRamdamTapatatTotoo
#UnladKabacan
#SerbisyongTotoo
#SerbisyoAtMalasakit
#AgriTayoSoccsksargen