Kabuhayan at sapat na pagkain para sa persons deprived of liberty sa pagtutulungan ng Department of Agriculture at Department of Justice!

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mas madami pang proyekto katulad ng Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) Project sa seremonya ng paglagda ng memorandum of agreement (MOA) para rito. Ayon kay PBBM, mahalaga ang whole-of-nation approach sa pagkamit ng food security at sa iba pang prayoridad ng pamahalaan.

Magtutulungan ang DA at DOJ sa RISE project para sa rehabilitasyon ng lupang sakahan sa mga Bureau of Corrections (BuCor) prison reservation at penal farms. Bahagi rin ng proyekto ang pagbibigay-kakayahan sa PDLs at ang paghahanda sa kanilang paglaya.