#PAFESprogram | Malayo na ang narating ng implementasyon ng Provincial Agricultural and Fisheries Extension Systems (PAFES), kung saan ang lalawigan ng Sarangani ang pilot area sa programang ito.

Dahil sa PAFES, nagkaroon ng mga Barangay Extension Workers (BEW) ang naturang lalawigan, sa pagsusulong at suporta na rin ni Governor Ruel Pacquiao.
Ang mga BEW ay katuwang ng mga extension workers ng mga local agriculture office, ngunit sila ay nakatutok sa mga partikular na barangay.

Makikita rito ang isang BEW ng Malungon na aktibong tinutulungan ang isang extension worker ng munisipyo sa pagbibigay bitamina sa isang baka.

#AgriTayoSoccsksargen