WALANG HABAS sa FAW o Fall Armyworm! 🪱🪖🌾
😲🥲Kung dati sa mais lang namiminsala, nananalasa na din ngayon ang Fall Armyworm o FAW sa mga palay.
Ang pag-atake (pagkain) ng mga FAW ay maaaring magdulot ng grabeng pagkasira sa mga dahon ng palay, o pagkaputol ng hanggang sagad sa punong palay lalo na sa batang palay (seedling), na maaaring magdulot ng pagbaba ng ani.
💡 Pamamahala:
✅ Palagiang subaybayan ang mga kamang punlaan o ang palayan pitong araw pagkatapos magsabog-tanim upang malaman kung may impestasyon. Magmatyag tuwing umaga o gabi para sa mga batang uod o larvae ng FAW gamit ang palatandaan nitong apat na tuldok sa dulo ng katawan at baligtad na Y sa likod ng ulo.
✅ Isang indikasyon na mayroong impestasyon sa pananim ay ang pagdating ng kawan ng mga ibon na naaakit sa mga ito.
✅ Kung mayroong impestasyon, patubigan ang taniman upang umangat ang mga uod at mas madali itong makita at mapuksa.
✅ Hinihikayat ang paggamit ng mga biological control agents. Kolektahin ang mga namatay na uod na maaaring napuksa ng virus, fungi, o bacteria. Sunod itong durugin, ihalo sa tubig, at i-spray sa inatake na mga tanim.
✅ Gumamit lamang ng insektisidyo bilang huling opsyon. Manghingi ng tulong sa eksperto sa crop rotection sa inyong lugar.
✅ Ugaliin ang sabayang pagtatanim matapos ipahinga ang lupa upang mabawasan ang impestasyon.
✅ Tanggalin ang mga damo sa paligid ng palayan, lalo na sa panahong nakapahinga ang lupa, upang walang makain at panganlungan ang FAW.
#BetterPhilRiceBetterRiceCommunities