Yung beshie mong pwede DAW panakot sa palayan? 🐍🐀🤔
⚠ FAKE NEWS:
Ang paglalagay ng palapang mukhang galit na cobra ay epektibong pantaboy ng mga daga sa palayan.
✅SA TOTOO LANG:
🌾Ang bisa nito ay hindi nagtatagal kapag familiar na dito ang mga daga. Ang mga daga ay neophobic o takot sa mga bagong bagay sa kanilang paligid. Kaya ang takot na dulot ng palapang mukhang galit na cobra ay hindi rin nagtatagal pag madalas na nila itong naaaninag.
🌾Mas mainam ang pag-monitor at paglinis ng paligid. Sa palagiang paglilibot sa palayan, nabubulabog ang mga daga at nasisira ang kanilang mga daanan at lungga.
🥰 Alamin ang syensa.
👌🏾 I-follow ang DA-PhilRice Facebook page para sa iba pang tips sa palayan!
#BetterPhilRiceBetterRiceCommunities