Nagpasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa pagtalaga sa kanya bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture.

Ayon kay Sec. Laurel, kanilang itutuloy ang mga programa para sa masagana, abot-kaya at masustansyang pagkain para sa mga Pilipino. Kasama rin rito ang modernisasyon sa sektor at pagsuporta sa mga magsasaka at mangingisda.

Kasama ang Pangulo at suporta ng publiko, tiwala si Sec. Laurel na maitataguyod at mapapaganda pa ang produksyon ng agrikultura sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *