Ako si Sec. Kiko.
Nagsimula ako sa larangan ng agrikultura. Sa loob ng mahigit tatlong dekada, nahubog ako ng maraming karanasan at kaalaman mula sa pamamalakad ng iba’t-ibang kumpanyang pam-pangisdaan, marine industries, food processing, cold chain at logistics management, real estate at power.
Dahil dito, nauunawan ko ang suliranin at tugon sa mga isyung pang-agrikultura. Magkahanay ang pananaw namin ni President Ferdinand R. Marcos Jr. kung paano mapapaangat ang ating sektor, lalo na ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisdang Pilipino.
Sa ating pagtutulungan, maisasakatuparan natin ang pag-unlad ng agrikultura ng bansa. Para sa masaganang bagong Pilipinas!
#AkoSiSecKiko #ParaSaMasaganangBagongPilipinas