Magandang araw!

Sa pangunguna ni Pangulong Bongbong Marcos, naipamahagi na po ang mga excavators na na-procure ng National Irrigation Administration (NIA) sa Subic noong December 13. Nagkakahalagang PHP 776-million ang 141 units ng makinaryang nai-turnover sa iba’t-ibang irrigators’ associations sa bansa.

Unang bahagi palang ito ng equipment refleeting program ng NIA. Sa pamamagitan ng programang ito, umaasa akong mapapalakas nito ang suporta para sa mga irrigation projects, repairs, at maintenance activities ng irrigator’s associations sa bansa.

Patuloy na magtutulungan ang DA family upang i-modernisa at paunlarin ang sektor ng agrikultura, para sa isang masaganang bagong Pilipinas!

#parasamasaganangbagongpilipinas

Photo by: PPA POOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *