Ikinalulugod kong makipag-ugnayan kay Minister Sakamoto Tetsushi ng Ministry of Agriculture, Forest and Fisheries (MAFF) sa huling araw ng 50th ASEAN-Japan Commemorative Summit.

Masaya ko pong ibinabahagi na suportado ng MAFF ang ating request na i-review ang Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA). Agreed in principle din by both Japan and Philippines ang work plan para sa pag-iimport ng Philippine Hass avocados sa Japan!

Bukod dito, nakipag-pulong din ako sa Japan International Cooperation Agency (JICA) Vice President na si Mr. Hataeda Mikio. Sa aming meeting, inilatag ang direksyon ng DA at mga agri-fisheries projects upang mahingi ang suporta ng JICA. Kasama dito ang mga proyekto sa irrigation, silos at warehousing, agrimechanization, drying facilities, pagpapabuti sa seedling production, at pagsasanay sa mga magsasaka at mangingisda.

Lubos akong nagpapasalamat sa mga positibong resulta ng ASEAN-Japan Commemorative Summit. Patuloy ang ating kooperasyon sa Japan para sa mas masaganang agrikultura sa Pilipinas!

#ParaSaMasaganangBagongPilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *