Magandang araw!
Ibinahagi ko po sa sectoral meeting at press briefing sa Malacañang ang mga plano sa Department of Agriculture. Sa susunod na tatlong taon, tututukan ng DA family ang pagtatayo ng post-harvest facilities, digitalization, logistics, reorganization sa DA, expansion of production sites, modernization, bigger market access, at mas matibay na partnership with agricultural stakeholders.
Mahalaga po ang mga hakbang na ito para makamit ang mga pangunahing layunin ng kagawaran, gaya ng pagpapalakas ng agricultural production at pagsiguro na abot-kaya ang mga bilihin. Balak din nitong tugunan ang overproduction at agricultural wastage sa mga rehiyon.
Sa mga susunod na araw, ide-detalye ko pa sa inyo ang 3-year plan na ito. Umaasa ako sa inyong patuloy na kooperasyon para isang masaganang bagong Pilipinas!