Kasama ang BFAR officials, binisita namin ang Silaguin Bay Fish Farm sa San Antonio, Zambales, kung saan buhay na buhay ang produksyon ng mga pompano!

May tinatayang yield na 3-4 tons ang bawat isa sa 44 floating sea cages sa fish farm ng Santeh Feeds Corp. Napakalaki ng kontribusyon nito sa industriya, hindi lang sa paghatid ng mas masustansyang protein source sa consumers, kundi pati na rin sa pagkamit ng food sufficiency at pagbukas ng export opportunities.

Handang makipagtulungan ang DA at BFAR mula sa production hanggang sa post-harvest at marketing upang masiguro ang masaganang pompano culture sa bansa.

#ParaSaMasaganangBagongPilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *