Nakatutok po ang DA at ang Bureau of Plant Industry (BPI) sa pagtugon sa infestation ng harabas sa mga apektadong farm areas sa Nueva Ecija at Tarlac.

366 hectares mula sa 10,217 hectares ang apektado ng armyworms sa mga nasabing lugar. Simula December, may naipamahagi nang 2.07 tons of onion seeds (worth P30.4 million) ang High Value Crops Development Program ng DA para sa mga areas sa Central Luzon. Namahagi din ang BPI at ang Regional Crop Protection Center ng pheromone lures, neem oil-based insecticides, at technical assistance sa mga apektadong onion growers.

Bukod dito, may nakahanda nang 1.3 tons ng red and white onion seeds (worth P20.3 million) at apat na cold storage (worth P168 million) para sa mga onion-producing areas. Nangako naman ang LGUs na bibili sila ng mas maraming organic insecticides and pheromone lures para matulungan ang ating mga magsasaka.

#ParaSaMasaganangBagongPilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *